Jinggoy talo sa sariling syudad

by Powered by DWIZ
0 comment
Jinggoy talo sa sariling syudad

Nalaglag maging sa sarili nyang syudad si dating senador Jinggoy Estrada.

Sa datos ng Commission on Elections na nagmula sa San Juan City, pumang 13 lamang si Estrada na nakakuha ng 20,858 votes.

Si Estrada ay tatlong termino o siyam na taong nanilbihan bilang mayor ng San Juan mula 1992 hanggang 2001.

Samantala, pumangatlo naman sa mga botong mula sa San Juan City si re electionist senator Jayvee Ejercito sa botong 32, 851 kasunod nina Senador Cynthia Villar at Grace Poe.

Kabilang pa sa pumasok sa magic 12 ng San Juan City sina Bong Go, Sonny Angara, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Francis Tolentino, Imee Marcos, Koko Pimentel, Doc Willie Ong at Bam Aquino.

 

Related Posts