34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Jimenez: Pagpapaliban sa May 2020 barangay at SK elections ‘di sakop ng COMELEC

- Advertisement -

Hindi sakop ng mandato ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapaliban sa May 2020 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi kontrolado ng poll body ang pagdaraos ng barangay eleksyon.

Aniya, ang pagpapaliban sa halalan ay nakasalalay sa desisyon ng kongreso.

Magugunitang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na dapat ipagpaliban muna ang May 2020 elections at gawin na lamang ito sa Oktubre ng kaparehong taon.

Samantala, nilinaw naman ni Jimenez na hangga’t hindi pa tuluyan at hindi pa opisyal ang pagpapaliban sa eleksyon ay sinabi ni Jimenez na magpapatuloy ang kanilang paghahanda para dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -