Jim Paredes inaming sa kanya ang kumakalat na video scandal

by Powered by DWIZ
0 comment
Jim Paredes inaming sa kanya ang kumakalat na video scandal

Inamin ngayoin ng singer na si Jim Paredes na sa kanya ang kumakalat ngayong video scandal sa social media.

Sa ipinalabas niyang pahayag, sinabi ng miyembro ng Apo Hiking Society na pribado ang naturang video at hindi laan para sa publiko.

Wala aniya siyang ideya kung papaano kumalat ang naturang video ngunit naniniwala siyang bahagi ito ng mga layuning hukayin ang kanyang mga baho upang siya ay sirain.

Sa kabila nito, inihayag ni Paredes na pinili niyang basagin ang kanyang katahimikan at aminin ang katotohanan sa naniniwala siyang ito ang tunay na makapagpapalaya sa kanya.

Sa huli, humingi ng paumanhin si Paredes sa pagiging iresponsable niya at para sa lahat ng mga nadismaya sa kanyang ginawa.

—-

 

 

 

 

Related Posts