JBC magkakasa ng public panel interview para sa mga nominado sa CJ

0
51

Nagkasa na ng schedule ang Judicial and Bar Council (JBC) para maisalang sa public panel interview ang mga nominado sa pagka Chief Justice (CJ) ng Korte Suprema.

Ayon sa JBC, itinakda nila sa August 16 ang interview sa division hearing room ng Supreme Court main building sa Maynila.

Alas nueve ng umaga hanggang alas dose ng tanghali isasalang sina associate justices lucas bersamin, teresita leonardo-de castro at diosdado peralta.

Kabilang naman sa isasalang sa panel interview simula alas dos ng hapon hanggang alas singko ng hapon sina Associate Justice Andres Reyes at Tagum City, Davao Del Norte RTC Executive Judge Virginia Tejano Ang.

Samantala , ipinabatid ng JBC na bukas na sila para sa application o recommendation para sa posisyong Supreme Court associate justice kapalit ni bagong Ombudsman Samuel Martires.

Itinakda ng JBC sa September 3 ang deadline sa pagsusumite ng nominasyon o rekomendasyon para sa SC associate justice.