Jazz pinadapa ang Bulls sa iskor na 114–83

by Powered by DWIZ
0 comment
Jazz pinadapa ang Bulls sa iskor na 114–83

Pinadapa ng Utah Jazz ang kanilang katunggaling Chicago Bulls sa kanilang laban na nagtapos sa iskor na 114 – 83.

Nanguna sa Jazz si Rudy Gobert na kumamada ng 21 puntos.

Nag-ambag din sa kanilang pagkapanalo sina Donovan Mitchell na mayroong 16 na puntos at si Joe Ingles sa kanyang 13 puntos.

Pinangunahan naman ni Lauri Markkanen ang koponan ng Bulls na nakapagtala ng labingwalong puntos.

Samantala, sunod na makakalaban ng nagwaging Jazz ang Phoenix Suns sa Martes.

Related Posts