Janine Gutierrez, nag post ng sweet birthday message para sa amang si Ramon Christopher

Janine Gutierrez, nag post ng sweet birthday message para sa amang si Ramon Christopher

by Powered by DWIZ
0 comment 47 views

Isang sweet at very touching message ang ipinost ni Janine Gutierrez para sa kaarawan ng amang si Ramon Christopher.

Sa kaniyang ipinost na throwback photos ng kaniyang ama inisa-isa ni Janine ng mga gagawin at ginawa ng amang si Monching para sa kaniya at sa kaniyang mga kapatid.

Kabilang dito ayon kay Janine ang pag attenda ng ama sa kaniyang school orientation sa Ateneo subalit nagsuot ng bonnet bilang protest dahil La Salista ito.

Sinabi pa ni Janine na sinamahan siya ng ama sa kaniyang taping sa Bulacan at batid nilang kahit saan at kailan nila tawagin ang ama ay darating ito kahit anong mangyari kahit pa aniya sa kaniyang mall shows sa Baguio City.

‘Love you’ aniya ang mga katagang unang babanggitin ng amang si Monching pag-angat ng telepono bago mag-hello kung silang mga anak ang tumatawag dito.

Ipinabatid pa ni Janine na isa ring mahalagang itinuro sa kanila ng ama ay mahalin ang pamilya dahil family is everything.

Si Janine ay panganay sa apat na anak nina Monching at Lotlot De Leon na ngayo’y kasal na sa isang foreigner businessman.

0 comment

Related Posts