Israel, Saudi Arabia nangangailangan ng maraming manggagawang Pinoy

Israel, Saudi Arabia nangangailangan ng maraming manggagawang Pinoy

by Powered by DWIZ
0 comment 33 views

Nangangailangan ng maraming manggagawang Pilipino ang Israel at Saudi Arabia.

Ayon kay POEA Administator Bernard Olalia, sa kauna unahang pagkakataon ay bubuksan ng Israel ang kanilang hotel at tourism industry sa Filipino workers.

Aniya, walang age limit at hindi na ngangailangan ng language proficiency basta marunong lamang ang aplikante na magsalita ng ingles.

Samantala, 1,000 mga Filipino nurse ang kailangan ng Saudi Arabia para sa kanilang mga government owned hospitals.

Maaring sumahod ng mahigit 60,000 piso ang makukuhang empleyado dagdag pa ang paid annual leave at ticket sa pag uwi gayundin ang libreng accomodation.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang POEA sa mga interesadong aplikante na magparehistro sa website ng ahensiya at huwag magpabiktima sa mga illegal recruiter.

0 comment

Related Posts