Israel bubuksan ang hotel at tourism industry sa mga Pilipino

Israel bubuksan ang hotel at tourism industry sa mga Pilipino

by Powered by DWIZ
0 comment 44 views

Bubuksan ng Israel ang kanilang hotel at tourism industry para sa mga Pilipino.

Ipinabatid ito ng POEA kaya’t posibleng sa buwan ng Oktubre ay magsimula na ang pagtanggap ng application para sa mga nais mag trabaho sa Israel.

Maliban sa Israel inanunsyo rin ng Ministry of Health ng Kingdom of Saudi Arabia ang kailangang 1,000 babaeng nurse na may suweldong 60,000 kada buwan bukod pa sa mga benepisyo tulad ng free fare at accommodation.

Ang mga nais mag apply ay maaaring magparehistro sa website ng POEA bago magtungo ng personal sa ahensya.

0 comment

Related Posts