Islamic State terrorist group nananatiling banta sa buong mundo – Iraqi PM

by Powered by DWIZ
0 comment
Islamic State terrorist group nananatiling banta sa buong mundo – Iraqi PM

Nananatili ang banta sa seguridad sa buong mundo ng teroristang grupong Islamic State.

Ito ang ibinabala ni Iraqi Prime Minister Adel Abdul Mahdi sa kabila nang paghina na ng pwersa ng grupo.

Ayon kay Mahdi, maituturing na banta pa rin ang I.S. kasunod ng pagpapalabas ng panibagong video ng leader nito na si Abu Bakr Al Baghdadi na nagtatangkang palakasin ang kanilang grupo gayundin ang pagsasagawa pa ng mas maraming pag-atake.

Sinabi pa ni Mahdi, bagama’t hindi pa nila maibigay ang detalye sa kinaroroonan ni Baghdadi malinaw sa  video nito na nasa malayong lugar ito.

Related Posts