Isko binalikan ang mga lugar na una niyang ipinalinis

Isko binalikan ang mga lugar na una niyang ipinalinis

by Powered by DWIZ
123 views

Binalikan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga lugar na una nyang ipinalinis nang maupo syang alkalde ng Maynila, Miyerkules ng madaling araw.

Dismayado si mayor nang datnan nya ang mga basurang nakatambak sa kahabaan ng Carriedo St. sa Quiapo, Maynila.

Dahil dito, ipinatawag agad ni Moreno ang police commander ng Plaza Mirande Police Community precint upang magpaliwanag.

Taliwas naman ang naging reaksyon ni mayor nang mag-ikot ito sa Divisoria dahil natuwa syang nadaraanan pa rin ang mga nilinis nyang kalsada.

Nag ikot rin sa Tondo si Moreno at kinuha pa ang plate number ng mga nakaparadang truck sa gilid ng kalsada.

Huling destinasyon ni mayor ang ospital ng Maynila kung saan plano nyang magpatayo ng isa pang ospital sa parehong compound.

0 comment

Related Posts