Isang VCM nasunog sa Zamboanga Del Sur

Isang VCM nasunog sa Zamboanga Del Sur

by Powered by DWIZ
0 comment 68 views

Nasunog ang isang vote counting machine na ginamit sa nakalipas na halalan sa nangyaring pagsabog sa Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, walong VCM ang nakatago sa naturang paaralan ngunit maswerteng isa lamang ang nasira sa naging pagsabog.

Nilinaw naman ni Galvez na ang napinsalang VCM ay pawang mga depektibo at hindi na gumana noon pang eleksiyon.

Inaalam na ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagsabog.

0 comment

Related Posts