29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Isang Turkish diplomat patay sa pag-atake sa Iraq

- Advertisement -

Patay ang isang Turkish diplomat sa isang pag-atake sa Kurdish City sa Iraq.

Ayon sa mga otoridad, habang kumakain sa isang restaurant ang diplomat kasama ang mga tauhan nito ay bigla silang pinagbabaril ng mga armadong lalaki.

Anila, maaaring ang pag-atake ay gawa ng militanteng grupo na Turkish Kurdish.

Samantala, tiniyak ni Ibrahim Kalin, ang Turkish presidential spokesperson na sisiguraduhin nilang babalikan ang mga may kagagawan ng insidente.

Sa panulat ni Gene Cruz

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -