35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Isang retiradong pulis patay sa pamamaril sa Maynila

- Advertisement -

Dead on arrival sa pagamutan si Retired P/Supt. Roberto Palisoc, matapos pagbabarilin ng di-nakilalang riding in tandem sa may bahagi ng A. Linao St. Corner San Andres St., Malate, Manila.

Ayon sa pulisya, nasa labas ng kanyang bahay ang dating police colonel nang biglang lumutang ang dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo at agad itong pinaputukan ng makailang ulit.

Sinubukan pang isugod sa Ospital ng Maynila si Palisoc ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Spokesperson P/Supt. Carlo Magno, dating nadestino si Palisoc sa MPD St.7 ngunit inilipat sa NCRPO ROTC, makaraang masangkot sa iligal na droga.

Kabilang si Palisoc sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa narco-list.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -