ISANG PWD, NAG-UWI NG MGA PAGKILALA AT PAPURI MULA SA ONE MINDANAOO YOUTH PARLIAMENT

ISANG PWD, NAG-UWI NG MGA PAGKILALA AT PAPURI MULA SA ONE MINDANAOO YOUTH PARLIAMENT

by RPN News
0 comment 51 views

Nag-uwi ng samo’t-saring pagkilala si Leo Martin Cellan, may kapansanan sa paningin, mag-aaral, at miyembro ng community media sa General Santos City.

Si Cellan ang nag-iisang PWD na lumahok sa unang One Mindanao Youth Parliament na inorganisa ng mga kabataang nagging bahagi ng ika-12 na National Youth Parliament noong nakaraang taon sa Davao City.

Binuo, iprinisenta, at denepensahan sa plenaryo ni Cellan ang mga ordinansa para sa pagbuo ng Disability Welfare Code at Disability Awarenes, Prevention, and Action Task Force (DAPAT Force) na tututok sa organisadong mga hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan ang serbisyo sa mga Pilipinong may kapansanan; ikalawa ang ordinansa sa pagresolba at pagtugon sa problema sa teenage parenthood at pagpapababa ng teenage pregnancy.

Chairman si Cellan ng Clustered Committee on Social Inclusion and Equity, Peace Building and Security, ang pagpasa ng pinakamaraming mga ordinansa sa OMYP. Kabilang sa mga ito ang dalawang panukala ni Cellan at ang pag-localize ng SOGIE Bill o Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Bill at isang resolusyong nananawagan sa Senado na soportahan ang SOGIE Bill.

Kinilala si Cellan bilang isa sa mga outstanding delegates, clustered committee chairman, at nakamit ang pagkilala bilang most punctual committee. Pinuri ng mga naging kasamahan si Cellan dahil sa mga kontribusyon nito sa pagpapaganda at pag-ayos ng mga ordinansa ng ibang mga clustere Committee.

0 comment

Related Posts