Isang Pinoy patay matapos biglang atakihin ng isang pulubi sa California

Isang Pinoy patay matapos biglang atakihin ng isang pulubi sa California

by Powered by DWIZ
0 comment 127 views

Nasawi ang isang pilipinong lolo makaraang biglang atakihin ng isang pulubi sa Los Angeles, California, USA.

Ayon sa L.A Police District, nakilala ang biktima na si Julius Rondez, 70-anyos, taga-Pantukan, Compostela Valley at kasalukuyang empleyado ng Department of Water and Power Firm sa Los Angeles City.

Base sa inisyal na ulat ng mga otoridad, pauwi sana si Rondez at patungo na ng Metro Train Station nang bigla itong atakehin at sakalin hanggang sa mawalan ng malay ng isang lalakeng pulubi na nakilalang si Gerson Carillo Torres, 22-anyos.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.

Nasa kostudiya na ng L.A Police District ang suspek na si Torres na tikom parin ang bibig hinggil sa motibo ng ginawang pagpatay sa biktimang lolo.

Pinagbabayad naman ng 2 milyon dollars na piyansa ng L.A Court si Torres upang pansamantalang makalaya.

0 comment

Related Posts