5 pulis na sangkot sa katiwalian at kapabayaan sinibak
February 12, 2019
NAMFREL tinututukan na rin ang mga kandidato sa 2019 elections
February 12, 2019
Show all

Isang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa bus bombing at kidnapping arestado

Naaresto ng PNP o Philippine National Police ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group na sangkot sa bus bombing at kidnapping.

Ayon kay PNP Chief Dir. Oscar Albayalde, nadakip sa Malate, Maynila si Daiyung Abdurahman alyas Biznar Salabudin.

Dagdag pa ni Albayalde, nahaharap ang suspect sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sangkot rin si Abdurahman sa pagpapasabog sa Kidapawan Bus Terminal noong 2012, at pagdukot sa labing limang empleyado ng Golden Harvest Plantation noong 2001.

Sa kabila ng pagkakadakip kay abduhraman nilinaw naman ni Albayalde na walang anumang banta ng terorismo sa Metro Manila.

Comments are closed.