Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
October 17, 2018
Deadline ng paghahain ng COC hindi na palalawigin
October 17, 2018
Show all

DXDX GenSan
Isang Mekaniko Huli Sa Drug Ops Ng PDEA 12 Sa Koronadal City

Huli sa isang drug operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 ang isang Arben Barjel 36 na taong gulang, may asawa isang mekaniko at residente ng Antipolo Subdivision, Barangay GPS, Koronadal City, South Cotabato. Ayon sa impormasyon isang target listed personality ng ahensya si Barjel, nahuli ito sa pamamagitan ng search warrant sa kasong paglabag sa republic act 9165 na nirepresenta ng mga sakop ng PDEA 12.

Nakuha sa kanyang posisyon ang 2 piraso ng suspetsadong shabu na mayroong timbang na aabot sa 0.5 gram at may estimate value na P 3, 400, tatlong improvised tooters, habang ang nasabing shop nito ang ginagawang drug den ng mga parokya nito para magsagawa ng pot session.

Habang kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Illegal Drugs) and Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang maaaring isasampa laban sa drug suspect na kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA ROXII Detention Facility.

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *