Isang Fishing Vessel na may lulan na mga Pilipino lumubog sa karagatan ng Brunei

Isang Fishing Vessel na may lulan na mga Pilipino lumubog sa karagatan ng Brunei

by Powered by DWIZ
80 views

Isang Fishing Vessel na may lulan na 7 Pilipino ang lumubog sa karagatang sakop ng Brunei.

Ayon sa DFA o Dept. of Foreign Affairs, bukod sa mag Pilipino ay sakay din ng naturang Fishing Vessel ang 4 na iba pang crew members.

Batay sa report na inilabas ng Phil. Embassy sa Brunei, 2 lamang sa mga sakay ng bangka ang nasagip ng mga otoridad at hindi pa rin tukoy kung mga pilipino ang mga ito.

Sa ngayon, tiniyak naman ng DFA na magpapatuloy ang Search and Rescue Operations ng mga otoridad habang patuloy rin naman makikipag ugnayan ang ahensiya sa mga opisyal sa Brunei.

0 comment

Related Posts