35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Isang commercial model timbog matapos makuhanan ng party drug sa QC

- Advertisement -

Pinasok ng National Bureau of Investigation o NBI ang bahay ng commercial model na si Zuher Bautista, sa isang eksklusibong subdivision sa Quezon City sa bisa ng search warrant.

Nagsisilbi di umanong drug den ang bahay ni Bautista at sa mismong kwarto umano nito madalas gawin ang mga drug session.

Nakuha sa bahay ni bautista ang mga party drugs at liquid ecstasy.

Itinanggi naman ni Bautista ang akusasyon ng NBI.


2 tulak ng droga patay sa buy bust ops sa Bulacan

Patay ang dalawang tulak ng droga sa buy bust operations sa Bulacan.

Kinilala ang dalawang napatay na suspects na sina Joseph Estrera alyas “Betong” at kasama nito na nakilala lang sa alyas na “Enteng”.

Nangyari ang buy bust operations sa barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte Bulacan kung saan nakabili sa suspek ng P500 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nang aarestuhin na ang dalawa ay bumunot umano sila ng baril kaya’t napilitang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -