Isang Chinese TV network itinigil ang pagpapalabas ng mga pre-season games ng NBA

Isang Chinese TV network itinigil ang pagpapalabas ng mga pre-season games ng NBA

by Powered by DWIZ
0 comment 36 views

Itinigil ng isang Chinese state televison network ang pagpapalabas ng mga pre-season games ng NBA sa bansang China.

Ito ay matapos depensahan ni NBA Commisioner Adam Silver ang pahayag ni Houston Rockets General Manager Daryl Morey na suportado nito ang mga protesta sa Hong Kong.

Isa lamang daw freedom of speech ang ginawa ni Morey ayon kay Silver.

Kinondena naman ito ng network na CCTV at sinabing ang anumang pahayag na nakaapekto sa soberanya ng isang bansa ay hindi maituturing na sakop na freedom of speech.

Matatandaang ang CCTV ang main television distributor ng NBA sa bansang China.

0 comment

Related Posts