Isang batang aktres namatay sa dengue

Isang batang aktres namatay sa dengue

by Powered by DWIZ
0 comment 41 views

Namatay ang isang batang aktres dahil sa sakit na severe dengue.

Pumanaw si Sophie Corullo, anim na taong gulang matapos ang ilang araw na pagkaka confined sa pagamutan.

Apela ng ina ni Sophie na si Angelie Corullo, hindi dapat na balewalain ng mga magulang ang karamdaman ng mga anak kahit pa nawala na ang lagnat nito.

Bukod kay Sophie, patuloy pa ring lumalaban sa ospital ang isa nitong kapatid dahil rin sa dengue.

Lumabas si Sophie sa ilang programa sa ABS CBN kabilang ang isang contest sa isang noontime show.

Kabilang ang batang aktres sa 188,562 kaso ng dengue na naitala ng Department of Health simula noong Enero hanggang Agosto 3 ngayong taon.

0 comment

Related Posts