28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Isang bangkay na nakasilid sa garbage bag natagpuan sa QC

- Advertisement -

Isang bangkay na nakasilid sa garbage bag ang natagpuan sa kahabaan ng CP Garcia Road sa Quezon City.

Sa paunang impormasyong nakuha ng pulisya, Miyerkoles pa umano ng gabi napansin ng isang guwardya ng University of the Philippines (UP) campus ang garbage bag sa kalye subalit hindi nila ito pinansin.

Nakita lamang na tao ang laman ng garbage bag nang kunin na itong garbage truck kinabukasan.

Inaalam pa ng PNP Quezon City ang pagkakakilanlan ng bangkay.

Sinasabing dati nang ginagawang tapunan ng bangkay ang nasabing lugar.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -