Isa patay sa sunog sa Pasay City
September 21, 2018
Pinay na ginahasa ng kanyang amo sa Qatar nailigtas
September 21, 2018

DXDX Gensan
Isang AWOL Na Pulis, Arestado Sa Drug Buybust Operation Ng PDEA

Sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office XII at Pikit Municipal Police Station naaresto ang isang AWOL na pulisĀ  matapos ang isinagawang drug buy bust operation ngayong araw September 21, 2018 sa Barangay Poblacion, Pikit North Cotabato. Batay sa impormasyon kinilala ang drug suspect na si PO1 Ruel Cascaro Pilipinas 47 na taong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na lugar .

Napag-alaman na nahuli si Pilipinas matapos positibong nabilhan ng isang large sachet ng pinaniniwalaang shabu sa nagpanggap na poseur buyer na PDEA Agent.aabot naman sa isang gramo ang bigat ng iligal na droga na may estimate value na P 6,800.00 nakuha rin sa kanya ang siyam na bukas na transparent sachet na may residue pa ng iligal na droga, improvised foil needles, aluminum strips at isang bala.

Si Pilipinas ay pinaniniwalaang isang notorious drug trafficker at ginagamit ang kanyang bahay bilang drug den, habang kinokonsidera na isa itong high value target ng awtoridad na pinaniniwalaan din na may kaugnayan sa kilalang grupo sa lugar.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 ang haharapin ni Pilipinas na kasalukuyang nakakulong sa Pikit Police Station.

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *