29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Isa patay; 60 arestado sa buy-bust operations sa Rizal

- Advertisement -

Isa patay habang 60 ang arestado kabilang ang ilang drug suspect at mga miyembro ng ‘Highway Boys’ sa magkakahiwalay na anti-criminality operations ng Rizal Provincial Police.

Kinilala ang napatay na drug suspect na si Jack Santavilla, miyembro ng ‘Highway Boys’ na nakipag-barilan sa mga pulis na aaresto sa kanya.

Nasakote rin sa Cainta ang nagsisilbi namang drug-runner ng grupo na si Lloyd Sanchel.

Narekober kay Sanchel ang ilang sachet ng shabu na itinago sa mga plastic ng tsitsirya  at candy.

Kabilang din sa mga natimbog ang isa sa mga leader ng ‘Highway Boys’ na si Hernando Cantal alyas ‘Herdie’.

Sangkot ang ‘Highway Boys’ sa serye ng holdapan at patayan sa lalawigan maging sa mga karatig lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -