35.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Isa patay 6 sugatan sa pagbagsak ng crane sa Isang Apartment Sa Dallas

- Advertisement -

Isa ang patay habang anim na iba pa ang sugatan sa pagbagsak ng crane sa isang apartment at parking lot sa Dallas, Texas, USA.

Ayon sa Dallas Fire Rescue Department, 5 sa sugatan ay nasa kritikal na kondisyon habang isa naman ang nasa maayos nang kalagayan.

Bukod sa limang palapag na gusali ng apartment, kabilang din sa nawasak ang ilang mga sasakyang nakaparada sa parking space sa ibaba nito.

Tinitignan namang dahilan sa pagbagsak ng crane ang malakas na hangin at ulan dulot ng pagtama ng malakas na bagyo sa Dallas.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -