IRR sa bagong rank classification sa PNP opisyal nang ipatutupad

by Powered by DWIZ
0 comment
IRR sa bagong rank classification sa PNP opisyal nang ipatutupad

Opisyal nang ipatutupad ang naamiyendahang Republic Act 11200 o ang pagbabalik sa dating rank classification o tawag sa mga ranggo ng pulis.

Kasunod ito ng pagpapalabas sa memorandum ni Chief of the Directorial Staff, Lt.Gen. Camilo Cascolan na naglalaman ng naplantsang IRR o Implementing Rules and Regulations para rito.

Kabilang din sa inilabas na kautusan ay ang abbreviation kung paano dapat tawagin o i-address ang mga pulis sa mga dokumentong ipalalabas na may kaugnayan sa PNP.

Magugunitang binawi ng PNP ang unang memo na inilabas nito kahit pa napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas dahil sa kawalan ng IRR.

(with report from Jaymark Dagala)

Related Posts