IRR ng UHC law nilagdaan na

IRR ng UHC law nilagdaan na

by Powered by DWIZ
0 comment 17 views

Nilagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care (UHC) Law.

Ayon kay Duque, dahil ditto, otomatiko na ang eligibility ng lahat ng mga Pilipino sa National Health Insurance Program.

Matatandaang nitong Pebrero ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care law o Republic Act 11223.

Kaugnay nito, nanindigan din si Duque na mayroon silang inilatag na hakbang upang maiwasan ang mga katiwalian sa PhilHealth na siyang magpapatupad ng batas sa susunod na taon.

0 comment

Related Posts