Iriga: Turn-over ng Angat Buhay Village sa Guinobatan, Albay

0
1

Pinangunahan ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang turn-over ngayong araw, Agosto 14, 2022 ng Angat Buhay Village kung saan nakatayo ang 100 bahay sa Barangay Mauraro, Guinobatan, Albay.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang Angat Buhay Village ay naging proyekto ng OVP taong 2020 para sa mga pamilyang nawalan ng bahay matapos anurin ang kanilang mga bahay dahil sa Bagyong Rolly noong Nobyembre 1, 2020.

Flagship program ng OVP noong panahon na iyon ang Angat Buhay kung kaya’t sila ang nanguna sa proyekto. Naging katuwang nila ang lokal na pamahalaan ng Guinobatan sa pamumuno ng dating alkalde at ngayon ay Bise Alkade Ann Ongjoco, United Architects of the Philippines – Daraga-Cagsawa Chapter, Bicol University College of Engineering at JCI Legazpi.

Ang mga benepisyaryo ng nasabing village ay malaki rin ang naging papel sa pagtatayo ng kani-kanilang mga bahay.

(Source: Atty Leni Robredo Facebook page)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here