28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: Susunod na administrasyon mahihirapan sa pamamahala ng bansa dahil sa stagflation ayon sa ekonomista at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda

- Advertisement -

Kahit na sino pa ang mailuklok na pangulo, tiyak na mahihirapan dahil sa stagflation ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang stagflation ay ang pagtaas ng inflation, pagbagal ng economic growth rate at mataas na bilang ng unemployment.

“Kahit na sinong presidente ang ilagay mo diyan mahihirapan gawa ng ang buong mundo ay pumapasok sa stagflation. The economic scars plus the Ukrainian war will result to higher prices commodity as well as deterioration in economic growth in the world so you have higher inflation and lower economic growth we call that stagflation, napaka hirap po i-manage niyan”, ani Salceda.

Isa rin sa problemang kakaharapin ng susunod na pangulo ay ang mahigit 12 trillion na utang ng bansa. Aniya, kung walang kumpiyansa sa administration maaaring i- downgrade ito ng mga rating agencies at patuloy na tumaas ang ating interest rate.

“Kung walang tiwala o kumpiyansa sa administrasyon baka i- downgrade ka ng mga rating agencies, tataas ang interest rate natin, lalo na mataas na yung utang tataas pa yong interest rate parang double whammy ka”, sabi pa ni Salceda.

Kung mangyari ito, mas lalo umanong mahihirapan sa pag budget ang pamahalaan lalo na sa sektor ng agrukultura na nasa kritikal na sitwasyon.

“So lalong wala kang maigagastos lalong lalo na sa pag double ng agricultural budget dahil yun ang pinaka kritikal ngayon e masiguro mo na may pagkain at mura ang pagkain.” ani Salceda.

Kaya naman suwestiyon ni Salceda ay budget cut o fiscal consolidation.

Saad pa ni Salceda, makikilala ang isang presidente base sa pinipili nitong prayoridad. Kung pipillin umano ni Marcos na bawasan ang budget sa social services, marahil umano ay nagkamali sa pinili ang mga Pilipino. (Mitch Villanueva)

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -