32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Iriga: Persons with Disabilities at Senior Citizens, tinuruan ng tamang paghahanda sa panahon ng sakuna

- Advertisement -

Bilang pakikisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ay isinagawa ang Emergency Preparedness Forum for PWDs at Senior Citizens sa SM City Legazpi ngayong araw, Hulyo 27, 2022.

Visit RPN DZKI Iriga

Layon nito na mabigyan ng impormasyon at maturuan ng mga tamang paghahanda ang mga Persons With Disability at Senior Citizens sa oras ng sakuna.

Ayon kay Dr. Raymond Maximo ng PHILVOCS, kailangan bigyang importansya ang mga PWDs at Senior Citizens dahil medyo pinipigilan ng kanilang kalagayan ang kanilang pagkilos sa oras ng sakuna.

“Kailangan meron tayong mga paraan para matulungan sila, kasi they are still part of our society and isipin nating mga relatives natin sila so kailangan natin silang bigyang halaga” ani Maximo.

Hindi lahat ng PWDs ay pare-pareho ng kalagayan kaya naman kailangan umano ng magkakaibang paraan sa paghahanda ng isang indibidwal depende sa kanyang sitwasyon.

Ayon naman kay Dr. Ted Esguera,  isang Survival and Disaster Management Expert, “May mga sector ng ating community na medyo di halos napapansin, kasi sa Survival may kasabihan na if you want to survive, you should move pero kailangan intindihin yung mga differently abled, may hearing impairment, visually impaired, yung ibang bata na may developmental disooder, may mga sitwasyon na di nila naiintindihan.”

Kasama ang mga girl scout at ibang personahe ay aktwal na ipinakita ni Esguerra sa mga kalahok ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag sila ay nasa gitna ng kalamidad o sakuna.

Dagdag pa niya, epektibo raw ang mga itinuro sa mga dumalo sa nasabing programa dahil subok at ginagamit umano ito ng mga sundalo sa tunay na mga operasyon at oras ng sakuna.

Maliban sa survival ay mahahasa rin daw ng mga PWDs at senior citizens ang kanilang situational analysis na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. I via Marvin Naperi, ADNU Intern

(Source: Bicol PH Facebook page)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -