28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: Pamilya ng mga Children with Special Needs sa Legazpi city, nakatanggap ng ROSAL chicken

- Advertisement -

Nakatanggap ng tigsa-sampung ROSAL (Range and Organic System an Alternative Livelihood) chicken ang 15 pamilya sa Legazpi City na may mga anak na may cerebral palsy, down syndrome at iba pang ispesyal na pangangailangan.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Dr. Emmanuel Estipona ng Legazpi City Veterinary Office, unang batch pa lamang ito at may mga susunod pa upang matulungan ang mga magulang ng mga batang ito. “Nakita natin na kailangang kailangan nila ng livelihood, for life na nakaasa sa parents ang children with special needs, hindi na sila nakakapag hanap-buhay kasi di nila pwedeng iwan ang anak so gusto nila na magkaroon ng livelihood”, ani Dr. Estipona.

May kasabay rin na kaunting feeds ang mga manok at imo-monitor rin ng City Veterinary Office ang mga ito. “After 5 to 6 months pwede na po sila mag harvest ng eggs and ang kagandahan po ng rosal chicken, this is an alternative livelihood kung saan ay hindi po sila mag-rerely sa commercial feeds kasi ina-advice po naming na pwedeng i-substitute ang commercial feeds ng madre de agua, azola, vermiculture pati po yung golden kuhol and ito pong mullberry tree, para hindi po sila magugulpi sa pagbili ng feeds”, saad ni Estipona.

Bahagi raw ang distribusyon ng ROSAL Chicken sa implementasyon ng Government Hunger-Malnutrition Intervention and Expansion program ng lokal na pamahalaan ng Legazpi City.

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -