30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: Mga senior citizens sa Naga city na hindi pa bakunado prayoridad sa isinasagawang Vaccination Activity ng lungsod hanggang Marso 4

- Advertisement -

Naga City – Ang mga senior citizens ang binibigyang prayoridad ngayon ng local na pamahalaan ng lungsod ng Naga na mabakunahan, sa isinasagawang vaccination activity ngayon at hanggang Marso 4.

Visit RPN DZKI Iriga

Marami pa kasing mga matatanda sa lungsod ang hanggang ngayong ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19 lalo na mga nakatira sa malalayong barangay.

Sila ay hinihikayat ng kanilang mga barangay opisyal na magpaturok na at sinasabihang huwag matakot sa bakuna.

Una na ring nabanggit ni Allen Reondanga ng City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO na ang mga senior citizens na lamang kabilang na rin ang mga Persons with Disability ang mga natitirang may malaking porsiyento para sa hangad ng herd immunity sa total population ng lungsod.

Batay naman sa pahayag ni Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos, isa ang lugar niya sa may maraming matatandang hindi pa bakunado, bukod sa takot , malayo pa ang kanilang lugar sa mega vaxcite.

Magkagayunman, tulong- tulong sila sa pag hikayat sa mga ito na magpa vaccines na, para na rin sa kanilang kalusugan.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -