Iriga: Covid vaccination sa paaralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela

0
0

187 na mga guro, magulang at incoming high school students sa Masbate National Comprehensive High School (MNCHS) ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine kahapon, Agosto 4, 2022.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Ronan Relova, MT II/ Assistant to the Principal at OIC ng MNCHS, bahagi ang bakunahan ng Brigada Eskwela. “Kami ay nasisiyahan at nagagalak at napaunlakan ng lokal na gobyerno ng Masbate ang ating hiningi na partnership para sa darating na school year”, ani Reloca.

Bumibisita raw ang Masbate City Health Office sa mga paaralan ayon kay Dr. Kristine Rosas, Rural Health Physician ng Masbate City Health Office. Ito ay upang mabakunahan ang mga batang edad 5-11 at mabigyan ng booster ang mga edad 12-17 bilang paghahanda sa darating na face to face classes.

“Ini-invite natin ang parents at iniencourage ang mga teachers at estudyante na magpabakuna para din sa protection nila laban sa covid 19 virus”, ani Dr. Rosas.

(Source: Bicol PH)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here