33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Iriga City Oragons Kumalas Sa NBL

- Advertisement -

Sept. 12, 2019 Iriga City. Tuluyan ng kumalas ang Iriga City Oragons sa pagiging kasapi ng National Basketball League (NBL) itoy kasunod ng pagpataw ng lifetime-ban sa kanilang head coach matapos na masangkot sa panonontok sa isang nanonood sa quarterfinals match nito na ginanap sa Hagonoy Sports Complex sa Bulacan noong nakaraang linggo.

Ito ang kinompirma ni team manager Atty. Ferdinand Diño na isa ring konsejal ng Iriga City matapos na gawin ang pulong tungkol sa gusot na dinaluhan mismo ni Mayor Madel Y. Alfelor ang team owner.

Ayon kay Diño hinde makatarungan ang ginawang suspension kay Head Coach Pablo Lucas at walang due process na ginawa ang NBL Management.

Sinabi ni Diño, na di man lang sila hiningan ng paliwanag na sa tutuo ang head coach anya ay umaawat pa sa nagkakagulong fans ng dalawang team.

Ayon sa kanya kung maayos lang sana ang kanilang security, di sana naganap ang nabanggit na gulo.

Pinuna pa ng opisyal ang panggigipit sa kanila ng oras, lalo pa kung mahigpit ang labanan, itoy naganap mga tatlong laro ng Oragons.

Nanawagan pa si Diño sa pamunuan ng NBL na sanay mapaganda ang kanilang pamamahala ng walang pinapaborang team, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanilang mga fans sa ginawang pagkalas sa nabanggit na liga.

 

-M. Barayoga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -