Iriga: Bicol PNP, nahirang na Best Police Regional Office sa buong bansa

0
1

Pinarangalan ang Police Regional Office 5 bilang Best Police Regional Office sa buong bansa kaugnay ng pagdiriwang ngayong araw ng 121st Police Service Anniversary (PSA).

Visit RPN DZKI Iriga

Tinanggap ni Bicol PNP Regional Director Mario Reyes ang parangal mula mismo kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Agosto 8, 2022 sa Camp Crame, Quezon City.

Ang pagdiriwang ng PSA ay bilang paggunita sa joint founding anniversaries ng Insular Constabulary noong 1901 at ng Integrated National Police noong 1975.

(Source: Bicol PH, photo courtesy of RTVM)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here