30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: Atty. Leni, pinangunahan ang Jesse M. Robredo Day sa Naga

- Advertisement -

Isang dekada na ang nakalipas nang masawi sa isang plane crash sa dagat ng Masbate si dating Interior and Local Government secretary Jesse Robredo noong ika-18 ng Agosto 2012.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng pagkamatay ni Sec. Jesse, nag-alay ng bulaklak sa puntod niya sa Eternal Gardens ang mga kaanak, kaibigan at mga kasama sa Liberal Party.

Dumalo rito si dating Vice President Leni Robredo kasama ang mga anak na sina Aika, Tricia at Jillian na nakasuot ng asul na t-shirt na may nakasulat na ‘Ika Dyes ni Jess’.

Nagpasalamat si Atty. Leni, dahil araw-araw na pinipili ng mga taga-Naga na ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan ng asawa sa lungsod.

“Kung ano man ang iniwan na legasiya niya, hindi lang ninyo sinisigurong buhay ito, pero lalo pa ninyong pinag-iibayo,” ani Robredo sa talumpati sa wikang Bikol.

“Ito rin ang paniniwala ng aking asawa noong siya nabubuhay pa… hindi lamang sukatan sa pagiging mabuting pinuno ang nagawa niya, hindi kung ano ang nakikita, kundi kung ano ang naibahagi niya. [Ang magaling na pinuno] tinitiyak na ang mga susunod na lider ay mas magiging magaling pa sa kanya. Sa tingin ko sa Naga City, naipakita natin ito,” dagdag niya.

Hindi nakadalo sa okasyon ang sanggang-dikit ng mag-asawang Robredo na si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. dahil nagpapagaling pa sa COVID-19.

Binasa ng anak niyang si George Gabriel ang kanyang mensahe para sa kaibigan.

“Jesse M. Robredo is and continues to be a stellar example of outstanding public service. In commemoration of his legacy and memory, this bill seeks to declare August 18 of every year as a special non-working holiday in the City of Naga to be known as, Jesse M. Robredo Memoral Day,” bahagi ng pahayag ng kongresista.

Bahagi rin ng Jesse Robredo Day ngayon araw ang exhibit at tour sa Museo ni Jesse Robredo, launching ng DYES book at Gawad Jesse M. Robredo ng Jesse M. Robredo Foundation at pagkilala sa mga nagwagi sa JMR Digital Art Work Contest.

(Source: Bicol PH, photo courtesy of Naga City Gov’t | Jesse M. Robredo Foundation)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -