32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Iriga: Albay Rep. Joey Sarte Salceda itinulak ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang digital device habang may klase

- Advertisement -

Itinutulak ni House Committee on Ways and Means chair Joey Salceda ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang digital device habang may klase.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa kanyang panukalang “No Cellphone During Classes Act”, sinabi ni Salceda na sakop mula kindergarten hanggang senior high school, pribado at pampublikong paaralan.

Sinabi ng mambabatas na hindi maitatangging maraming benepisyo ang paggamit ng cellphone at iba pang digital device ngunit maaari ring magdulot ng pagkagambala sa mga gawain sa trabaho at paaralan.

“With its many advantages, these smart devices can also cause distraction and disruption to work and school activities especially among the youth,” paliwanag nito.

Nakasaad din sa panukalang batas niya na aatasan ang bawat eskuwelahan na maglaan ng device depositary office kung saan maaaring ilagay ng mga estudyante ang kanilang cellphone at gadget pagpasok sa paaralan.

(Source: Joey Sarte Salceda Facebook page)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -