Iriga: Administrasyon ni Mayor Fer Simbulan binanatan sa ginawang privileged speech ni SK Federation Chairman Koko Astive ng bayan ng Nabua, Camarines Sur

0
0

Ginamit ni SK Chairman at Ex officio member Koko Astive ng Sangguniang bayan ng Nabua, CamSur ang privileged hour sa ginanap na regular session ng August body. Siya ay tumayo para magdeliver ng kanyang privileged speech para banatan ang administrasyon ni Punong Bayan Atty. Fernando Simbulan tungkol sa operasyon ng STL small town lottery at Lotto sa kanilang lugar, kung may natatanggap ba na share o kung ilang porciento ang local na pamahalaan galing sa income ng STL agent o operator ng sugal na eto at kung saan napupunta, at kung nabigyan daw ba ng business permit at mayor’s permit para maging legal ang operation ng STL o lotto sa kanilang lugar.

Visit RPN DZKI Iriga

Samantala sa susunod na regular session pinapaimbitahan naman ni Councilor Astive ang in charge ng STL sa kanilang lugar para alamin kung sinusunod nila ang kanilang obligasyon sa LGU.

Samantala sa nagging reaction naman ni Mayor Atty. Fernando Simbulan sinabe nito na barking with a wrong door o tree etong si Konsehal Astive dapat daw kasi bago siya nagkaroon ng privileged speech sa sesyon ay inalam niya muna sa kanilang Municipal Treasuer na si Mr. Bonggalos kung mayrung share natinatangap ang LGU at may recivong binibigay dahil bilang mayor wala daw siyang karapatan na magreceive dahil mayroon silang treasurer at kung di naman daw siya nag isyu ng business permit eto ay dahil legal ang operasyon ng STL nationwide.

Sinabe pa neto na dapat tinatung muna ang PCSO na siyang principal at mayhawak ng mga STL agent kung sumusunod sa mga obligasyon sa pamahalaan samantala kung may mga magagandang programa daw ang PCSO sa mga LGU katulad ng pagbibiggay ng ambulance at tulong sa mga calamity assistance eto ay kanyang tatanggapin bilang punong bayan ng nasabing lugar. (Joey H. Lim)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here