Int’l lawyers iimbestigahan na ang pag-atake sa mga abogado sa bansa

by Powered by DWIZ
0 comment
Int’l lawyers iimbestigahan na ang pag-atake sa mga abogado sa bansa

Papasok na ang mga international lawyer group sa imbestigasyon sa pag-atake at pamamaslang sa mga miyembro ng legal profession sa bansa.

Sa tala ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), umabot na sa tatlumpu’t walo (38) ang mga abogado at miyembro ng hudikatura na nakaranas ng pag-atake sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyer President Edre Olalia, susuriin ng mga abogado mula sa International Association of Democratic Lawyers at the International Association of Lawyers ang napaulat na labing limang (15) insidente ng pag-atake sa abogado mula Luzon hanggang Mindanao.

Kakapanayamin ng naturang mga international lawyer ang ilang abogado at hukom na nakaligtas sa pag-atake at gayundin ang mga kaanak ng mga napaslang.

Kalahati ng mga biktima ay sinasabing mga miyemrbo ng NUPL na hinininalang mga miyembro ng komunistang grupo.

—-

 

 

 

 

Related Posts