35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

International defense team ni Maria Ressa pangungunahan ni Amal Clooney

- Advertisement -

Pangungunahan ng asawa ni Hollywood actor George Clooney ang international defense team ni Maria Ressa.

Kinumpirma ito ng Doughty Street Chambers, ang law firm na kinabibilangan ng law firm ni Amal Clooney.

Binigyang diin ni Clooney na ginigipit si Ressa dahil sa pagiging matapang na paninindigan laban sa pang aabuso sa karapatang pantao.

Tiniyak ni Clooney na isusulong nila ang lahat ng legal remedies para maitaguyod ang karapatan ni Ressa at madepensahan ang press freedom pati na ang rule of law sa Pilipinas.

Natutuwa naman si Ressa sa komposisyon ng kaniyang legal team na magtatanggol sa kaniya laban sa mga kinakaharap na kasong cyber libel, tax evasion at paglabag sa anti dummy law at securities code.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -