Inspeksyon sa mga transport terminal pinaigting ngayong Kapaskuhan

by Powered by DWIZ
0 comment
Inspeksyon sa mga transport terminal pinaigting ngayong Kapaskuhan

Nakalatag na ang mga programa para sa Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation o DOTr.

Ayon kay Assistant Secretary Manny Gonzales ng DOTr, simula sa December 10 ay gagawing regular ang inspeksyon sa mga terminal ng bus, airport at mga pantalan.

Maliban sa seguridad, sinabi ni Gonzales na layunin rin nila na tiyaking magiging komportable ang biyahe ng mga uuwi sa lalawigan para sa Pasko at Bagong Taon.

“Ang lahat ng terminal, booth, mga opisina under the DOTr ay 24/7 na ang operation nito, continuous po ang communication nila with the DOTr Action Center, sa mga transport terminal lahat ng counter niyan should be properly manned para maiwasan ang mahabang pila ng ating mga mananakay during this period.” Pahayag ni Gonzales

(Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

 

 

Related Posts