Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Insentibo sa magnenegosyo sa labas ng Meto Manila inilalatag na

Inilalatag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para sa pagbibigay ng insentibo sa mga negosyo sa labas ng Manila.

Ito ay upang ma-decongest ang Metro Manila at bilang paghahanda na rin sa tinatawag na “the big one” o ang posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inilatag sa cabinet meeting noong Lunes ang naturang plano kay Pangulong Duterte.

Gayunman, hindi tinukoy ni Panelo kung anong partikular na insentibo ang ipagkakaloob ng Malacañang sa mga negosyante na maglalagak ng negosyo sa labas ng Metro Manila.

Bukod sa mga incentives, inirekumenda rin ng ilang cabinet members ang pagtatatag ng Department of Resiliency at ang pagsusumite sa lahat ng ahensiya ng public service continuity plans bilang paghahanda sa malakas na lindol.

Related posts

Draft ng pederalismo na binalangkas ng ConCom ipinasasapubliko na ni Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

Shortlist ng mga ekspertong dayuhan na susuri sa epekto ng Dengvaxia sa Pilipinas hawak na ni Pangulong Duterte

RPN News

Mga nagpapaupa huwag muna maningil — Duterte

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More