Information campaign ng PDP-Laban sa federalismo tuloy pa rin

Information campaign ng PDP-Laban sa federalismo tuloy pa rin

by Powered by DWIZ
75 views

Tuloy ang isinasagawang information campaign ng PDP-Laban hinggil sa federalismo.

Ito ang inihayag ni PDP-Laban President Senator Koko Pimentel, sa kabila ng pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabo nang makalusot ang federalismo sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Pimentel, patuloy pa rin nilang ipapaalam sa taumbayan kung ano ang federalismo at mga benepisyo nito.

Dagdag ni Pimentel, suportado rin nila ang hangarin ni Pangulong Duterte na maamyendahan ang konstitusyon.

Paliwanag ng senador, nais nila ang charter change para mapalitan na ng federalismo ang porma ng pamahalaan pero kung hindi naman aniya matutupad ito, bukas din sila sa parliametary form of government.

0 comment

Related Posts