Indonesia hiniritan ang China kaugnay sa South China Sea

Indonesia hiniritan ang China kaugnay sa South China Sea

by Powered by DWIZ
93 views

Ginagamit lamang umanong palusot ng China ang pangingisda para manatili ang kanilang presensya at igiit ang pang-angkin sa kabuuan ng South China Sea.

Ayon kay Rear Admiral A. Taufiq R., naval commander ng Western Fleet ng Indonesia, paraan lamang ng Tsina ang pangingisda para bigyang diin na pagmamay-ari nila ang South China Sea.

Una rito, isa namang barkong pangisda ng China ang hinuli ng Indonesian warship sa Natuna Islands na bahagi ng exclusive economic zone ng Indonesia.

Ayon kay Rear Admiral Taufiq, nagwarning shot sila sa 12 barkong pangisda ng China subalit tanging ang mga tripulante lamang ng isa sa mga barko ang kanilang dinakip dahil sila lamang ang nahuli sa aktong nangingisda.

Ito na ang ikatlong barkong pangisda ng China na hinuli ng Indonesian Navy dahil sa illegal na pangingisda mula noong Marso.

0 comment

Related Posts