Radio Philippines Network
Headlines International News

Indian Rescuers nawawalan na ng pag asa sa mga nawawalang mountaineers sa Himalayas Mountain

Tila nawawalan na ng pag asa ang Indian Rescuers sa paghahanap ng mga nawawalang mountaineers sa himalayas mountain.

Pansamantalang itinigil ang paghahanap kahit pa nagpadala na ng 2 Indian Airforce Helicopters para tumulong sa operasyon.

Una nang kinumpirma ng mga otoridad ang pagliligtas sa 4 na British Climbers sa Base Camp malapit sa Nanda Devi.

Ayon sa mga survivors ..sinimulan na nila ang pag akyat sa ikalawang pinakamataas na bundok sa India kasama ang 8 pa nilang kasamahan nuong May 13 subalit bumalik kaagad sa Munsiyari Base Camp dahil sa matinding lamig ng panahon.

Nag desisyon naman ang 8 pang rescuers na akyatin ang isang hindi pinangalanang Summit Peak.

Nabatid na may koneksyon pa ang rescuers sa mga biktima hanggang nitong May 26 .isang araw bago mangyari ang Avalanche sa nasabing bundok.

Related posts

Presyo ng LPG apektado na ng oil excise tax

Powered by DWIZ

Int’l Human Rights Day ginugunita ngayong araw

Powered by DWIZ

Palasyo kinalma ang publiko sa ikinakasang PH-Russia agreement sa nuclear power plants

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More