Sunog sumiklab sa Naval station sa Sangley Point Cavite
November 9, 2018
DICT labas sa gusot ng mga kumpanyang nag-bid para sa 3rd telco
November 9, 2018
Show all

Imelda Marcos hinatulang guilty ng Sandigabayan sa kasong graft

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos kaugnay ng pagkamal ng salapi noong ito ay gobernadora pa ng Metro Manila.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 5th Division, napatunayang guilty si Marcos sa pitong bilang ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Practices Act.

Dahil dito, sinintensyahan si Marcos ng anim (6) hanggang labing isang (11) taong pagkakakulong at pinatawan din ng panghabam-buhay na diskuwalipikasyon para humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Matatandaang batay sa reklamo na unang inihain noong 1991, kabilang sa mga akusasyon kay Marcos ang pagkakaroon ng interest at partisipasyon sa ilang non-government oraganizations (NGO’s) sa Switzerland mula 1987 hanggang 1984.

Maliban dito, inakusahan din ng Ombudsman si Marcos ng paglilipat ng mga nakaw na yaman na nagkakahalaga ng halos tatlumpung (30) milyong dolyar patungo sa isang French Bank gayong wala pang isang milyong dolyar ang idineklara niyang lawful income para sa taong 1965 hanggang 1985.

(Ulat ni Jill Resontoc)

 

 

 

Comments are closed.