Imbestigasyon sa paglaganap ng mga POGO hubs inihirit sa Kamara

Imbestigasyon sa paglaganap ng mga POGO hubs inihirit sa Kamara

by Powered by DWIZ
0 comment 27 views

Nagpatawag ng imbestigasyon ang ilang kongresista para talakayin ang paglaganap ng mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operator Outlets sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, posibleng magamit ang mga naturang POGO outlets para sa military at political purposes.

Sinabi naman ni Pwersa ng Bayaning Atleta Representative Jericho Nograles na ang pagdami ng mga POGO sites na malapit sa kampo ng militar at pulisya ay maselang isyu sa seguridad ng bansa.

Ayon kay Nograles, nakatanggap siya ng mensahe mula sa ilang Pilipino na nakapansing tila kilos-sundalo ang mga Chinese worker sa mga POGO hub

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang Department of National Defense sa mga POGO sites na malapit sa kampo ng militar at pulisya.

0 comment

Related Posts