Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 preso sa Talipapa ikinasa ng QCPD

Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 preso sa Talipapa ikinasa ng QCPD

by Powered by DWIZ
0 comment 66 views

Nagkasa na ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa pagkamatay ng dalawang preso ng Talipapa Police Station 3.

Batay sa impormasyong inilabas ng QCPD criminal investigation and detection unit, nadiskubreng wala nang malay ang presong si Romero Borja, dakong 1:45 ng madaling araw ng Miyerkules Hulyo 10.

Agad namang isinugod sa ospital si Borja, ngunit idineklara rin itong patay dakong 2 ng madaling araw.

Samantala, sa kapareho ring araw, nasawi rin naman si Norvic Villanueva, 36-anyos, bandang 4:30 ng hapon.

Ayon sa pulisya, hinihintay pa nila ang resulta ng autopsy sa mga bangkay para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang preso.

0 comment

Related Posts