Imbestigasyon sa first batch Dengvaxia cases tinapos na ng DOH

by Powered by DWIZ
0 comment
Imbestigasyon sa first batch Dengvaxia cases tinapos na ng DOH

Tinapos na ng Department of Health (DOH) ang imbestigasyon nito sa unang batch ng Dengvaxia cases.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Maria Emilia Victorio, pinuno ng DOJ panel, submitted for resolution na ang nasabing kaso at susubukan nilang maipalabas ang resolusyon sa buwang ito.

Malalaman sa resolusyon kung dapat bang managot ang mga respondents sa pangunguna ni dating Health Secretary janette Garin sa mga kasong isinampa ng pamilya ng mga biktimang nasawi dahil sa Dengvaxia.

Kabilang dito ang reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa anti-torture act at consumer act.

Bukod kay Garin, respondent din sa mga nasabing kaso sina dating DOH officials Vicenter Belizario Jr., Kenneth Hartigan-Go, Health Secretary Francisco Duque III gayundin ang mga executives ng Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia.

—-

 

 

 

 

Related Posts