Imbestigasyon ng Kongreso sa mga naging kapalpakan sa eleksyon kasado na

Imbestigasyon ng Kongreso sa mga naging kapalpakan sa eleksyon kasado na

by Powered by DWIZ
0 comment 79 views

Sisimulan na sa susunod na linggo ang joint congressional hearing hinggil sa mga alegasyon ng umano’y mga kapalpakan sa natapos na eleksyon noong May 13.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, nakikipag-ugnayan na siya sa kanyang counterpart sa Kamara para sa gagawin nilang pagdinig.

Ipapatawag aniya ang mga opisyal ng Comelec at Smartmatic para malaman kung naging malinis ba ang halalan at kung hindi na-hack ang sistema.

Sinabi ni Pimentel na layon din ng hearing na malaman ang dahilan ng paghinto ng transmission sa transparency server gayundin ang mga pumalyang vote counting machines (VCMs) at depektibong SD cards.

—–
0 comment

Related Posts